-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Tatlo katao ang nasugatan sa vehicular accident sa probinsya ng Cotabato.

Ayon sa ulat ng President Roxas PNP Traffic section na sakay ang mga biktima sa isang motorsiklo sa bahagi ng Barangay Kamarahan President Roxas Cotabato.

Ayon sa mga nakasaki pagiwang-giwang umano ang motorsiklo at tila lasing ang mga sakay nito na bumangga sa kasalubong na mini van.

Tumilapon ang mga biktima at isa rito ay nagtamo ng matinding sugat sa ulo.

Ang mga sugatan ay agad dinala ng MDRRMO-President Roxas Rescue unit sa pagamutan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng President Roxas PNP sa naturang pangyayari.