-- Advertisements --

BACOLOD CITY—Patay ang tatlong sundalo ng 94th Infantry Batallion matapos makipagbakbakan sa New People’s Army sa Barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental nitong Linggo ng umaga at apat dito ang sugatan.

Nabatid na nagsasagawa ng security patrol ang mga sundalo kaugnay sa pamimigay ng Social Amelioration Program (SAP) nang DSWD para sa mga benepisyaryong apektado ng Enhanced Community Quarantine sa probinsya.

Nakatanggap ng impormasyon ang army na may myembro nang NPA sa lugar.

Ayon kay 303rd Infantry Brigade Commander Colonel Inocencio Pasaporte, malapit na ang sundalo sa kinaroroonan ng terroristang NPA nang biglang sumabog ang improvised explosive device (IED) at tinapon ang hand grenade kung saan ikinasawi ng tatlo sa mga ito.

Nagbakbakan ang dalawang panig sa loob nang 30 minuto.

Nagpadala rin ng choppers upang maevacuate ang mga sugatan na sundalo kung saan nagpapagaling na sa mga ospital sa lungsod ng Bacolod.

Nakikisimpatya naman si Pasaporte sa pamilya ng mga bayaning sundalo na namatay sa engkwentro para sa katahimikan ng Negros Island.

Dagdag pa ni Pasaporte naka-heightened na ang operasyon ng militar upang tugusin ang miyembro ng terroristang NPA at maitigil na ang pananakot ng mga ito sa komunidad.