-- Advertisements --

Tatlong sundalo ang nasawi matapos tambangan ng mga hinihinalaang miyembro ng New Peoples Army (NPA) kaninang alas-8:25 ng umaga sa may bahagi ng Banquerohan, Legazpi City, Albay.


Ayon kay Southern Luzon (SOLCOM) Commander Lt. Gen. Antonio Parlade na ang mga namatay na sundalo ay miyembro ng 31st Infantry Battalion.

Sinabi ni Parlade, nakikipag-ugnayan ang mga sundalo sa kanilang PNP counterpart para sa pagpasok ng heavy equipment ng Sunwest Corporation para sa gagawing road opening mula sa may Barangay Villahermosa patungong Barangay Bariis, Legazpi City ng tambangan ng mga Communist Terrorists Groups (CTGs).

Ayon naman kay 9th Infantry Division Spokesperson Capt. John Paul Belleza, naka motor ang mga sundalo na naka-assign sa community support program.

Sinabi ni Belleza nasa 10 armadong miyembro ng CTG ang nanambang sa mga sundalo.
Bukod sa tatlong sundalo na nasawi may isa pa ang sugatan na naka survive sa insidente.

Kasalukuyang ginagamot na ang isang sundalo na nasugatan.

Siniguro naman ni Solcom commander na palakasin pa ang kanilang kampanya laban sa mga communist terrorist group.

Naniniwala naman si Parlade na posibleng paghihiganti ang motibo ng mga teroristang NPA sa pananambang sa mga sundalo na nuon ay walang kalaban laban.