-- Advertisements --
Patay ang tatlong sundalo mula sa India matapos ang sagupaan nila sa Chinese forces sa Ladakh sa pinag-aagawang Kashmir region.
Ito ang unang pagkakataon sa loob ng 45 taon na may naganap na sagupaan dahil sa military tensions.
Inakusahan ng Ministry of External Affairs ng India ang China na lumabag sa kasunduan na dapat igalang ang Line of Actual Control (LAC) sa Galwan Valley.
Tinangka umano ng China na baguhin ang status quo sa nasabing lugar.
Inaasahan naman na magsasagawa ng pulong ang mga Indian army at military officials ng bawat panig para tuluyang maibsan ang kaguluhan.