-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Huli sa inilatag na checkpoint ang tatlong hinihinalang gun runner na umanoy nagbebenta ng armas sa lalawigan matapos magtangkang magpuslit ng matataas na uri ng mga baril sa Enrile Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina George Matalug, residente sa bayan ng Rizal, Cagayan; Franklin Alvarez ng Tuguegarao City; at Reynante Alvarez ng Tuao West.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PLTCOL Romeo Dela Trinidad ng Criminal Investigation and Detection Group na nakumpiska sa sasakyan ng mga suspek ang apat na cal.45, isang M16, dalawang rifle grenade, isang hand grenade, apat na magazine at maraming bala ng ibat ibang uri ng baril.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang mga parokyano o pagbebentahan ng mga naturang iligal na baril ng mga suspek.

Nabatid pa na wanted sa batas si Matalug dahil sa kasong robbery na isinasangkot sa gunrunning activities.

Nahaharap ngayon ang mga suspek na nasa kostodiya ng (CIDG) REGION 2 sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2013.