-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Tatlo sa apat katao na suspected cases sa Coronavirus Disease (Covid 19) sa Kabacan Cotabato ang cleared na.

Sa ulat ng Kabacan Municipal Epidemiology Surveillance Unit na tatlo sa naitalang suspected case ay negatibo sa PCR test.

Kaugnay nito, ang isang suspected case ay inaasahang mailalabas ang resulta sa mga darating na araw.

Samantala, abot na sa 153 ang patuloy na binabantayan sa bayan ng Kabacan. 103 rito ay mula sa Visayas-Mindanao (VisMin) habang 50 ang galing sa Davao region.

Dagdag pa ni Dr Sofronio Edu, Jr ang natitirang isang suspected case at ang 153 ay patuloy na binabantayan sa tulong ng mga Barangay Health Emergency Response Team o BHERT.

Nagpasalamat naman si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr sa mga Frontliners na todo bantay kontra Covid 19.