CAGAYAN DE ORO CITY – Nag-resulta ng mainit na engkuwentro na kalaunan ay ikinsawi ng tatlong miyembro ng Dawlah Islamiyah Lanao at pitong iba na ang nahuli nang isilbi lang sana ng pulisya ang search warrants sa Barangay Matampay Dimarao, Bubong, Lanao del Sur.
Kinilala ang mga nasawi na sina Bashir Marcarangcat, Sowaib Marcarangcat at Abdulatip Ripag na agad namang kinuha ng kanilang mga kaanak para mailibing batay sa paniniwalang Islam sa lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Lanao del Sur Police Provincial Office spokesperson Police Maj. Alvinson Mustapha na isinilbi lang sana ng kanilang CIDG-BARMM team search warrants patungkol sa napaulat na pag-iingat ng mga baril at ng illegla na droga subalit nauwi sa engkuwentro.
Sinabi nito na unang nagpaputok ang mga salarin kaya gumanti ang PNP-CIDG troops kasama ang ibang units ng PNP kaya nag-resulta ng mga pagkasawi ng mga suspek.
Naaresto rin sina Saynolla Tigunogon;Aslani Ripag;Acmali Sarip;Anwaar Aragon;Salik Maulana; Nasrudin Acob at Sultan Macalawan Macarambon Maulana.
Nakompiska mula sa posisyon ng mga suspek ang M-16 rifle;dalawang kalibre 45 na baril;granada;rifle grenade;rifle scope;sari-saring mga bala;10 gramo ng suspected shabu at iba pang mga ededensiya.
Samantala,dinalaw naman ng bagong PNP-BARMM regional director na si Brig Gen Allan Nobleza sa Amai Pakpak Medical Center ng Marawi City ang isang SAF trooper na si Police Corporal Celso Ninla Tingcang nang matamaan sa kasagsagan ng engkuwentro kahapon.
Magugunitang nasabing grupo ng mga terorista ay tinukoy rin na nasa likod pag-atake sa Marawi City sa loob ng limang buwan bago pagdiriwang ng Ramadan noong Mayo 2017.