-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Sumuko sa 108th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang tatlong suspek sa pamamaril patay sa magkapatid na Frontliners sa Pikit Cotabato.

Nakilala ang mga suspek na sina Sardin Mudali, Aladin Ali Bayah at Gapor Balabagan Datungan.

Ayon kay Pikit Chief of Police,Captain Mautin Pangandigan na sumuko ang mga suspek kay Kumander Hadji Bayan ng 108th BC ng MILF.

Pinag-utos mismo ni Kumander Bayan na hulihin ang mga suspek at kung manlaban ay patayin na kaya sa takot ng tatlo ay sumuko na ito.

Ang tatlo ay na nasa kostudiya ngayon ni Kumander Hadji Bayan at hinihintay nalang ang kautusan ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) ng MILF para itoy i-turn over sa PNP.

Matatandaan na ang mga suspek ay nakipagtransaksyon sa magkapatid na Haizon Wahab at Bai Puti “Pepcy”Wahab na isang nurse sa ibibinta sanang motorsiklo ngunit hinold-up at pinatay nila ito.

Sa ngayon ay nakatakdang magsampa ng kaso sa korte ang pamilya ng mga biktima laban sa mga suspek.