-- Advertisements --

Inaresto ng mga kapulisan sa United Kingdom ang tatlong katao na itinuturong responsable sa pagsabog ng isang sasakyan sa Liverpool hospital.

Ayon sa Great Manchester Police na ang mga suspek ay may edad 21, 26 at 29.

Hinuli ang mga ito sa Kensington area sa Liverpool dahil sa Terrorism Act.

Magugunitang sumabog ang isang taxi habang ito ay nakaparada sa Liverpool Women’s Hospital sa northwest England na ikinasawi ng isang katao at ikinasugat ng iba pa.

Dahli sa pangyayari ay agad na kinordon ng mga otoridad ang lugar kung saan tinawag naman ni Liverpool Mayor Joanne Anderson ang pangyayari na isang nakakalungkot at nakakabahalang insidente.