-- Advertisements --
Judesses Catalogo

ROXASI CITY – Sinampahan na ng kaso sa Provincial Prosecutors Office ang tatlong suspek sa paghold-ud sa isang lending collector sa Barangay Binuntucan, Pontevedra, Capiz.

Ito ang inihayag ni Police Lt. Judesses Catalogo, deputy chief of police ng Pontevedra Municipal Police Station nang mainterview ng Bombo Radyo Roxas.

Ayon kay Catalogo, kaso na Robbery under the article 295 of revised penal code ang sinampa sa mga suspek na sina Rowel Agris, Ronnel Agris at Jetley Sucgang pawang mga residente ng Barangay Cabungahan, Maayon Capiz.

Nabatid na may nagpaabot nang impormasyon sa mga kapulisan tungkol sa pagkakakilalan ng mga suspek kung saan positibo na tinuro ng biktima na si Ronaldo Alcazaren ang naturang mga indibidwal na naghold-up sa kanya.

Agad naman nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga kapulisan matapos na pumunta sa Pontevedra PNP si Alcazaren at sinumbong ang ginawa ng mga suspek sa kanya.

Kabilang sa nakuha ng mga suspek sa biktima ay isang cellphone, P1,000 cash at P50,000 mula sa koleksyon nang nasabing lending collector.