BUTUAN CITY – Nasa kulungan na ngayon ang tatlong suspek na nag-kidnap ng isang babaeng negosyante kahapon bangdang alas 7:00 ng umaga sa P-8 Brgy. Taglatawan, Bayugan City.
Hindi pa ipinalabas ang pangalan sa mga suspek na isang 43 anyos galing sa Brgy. Ki-otoy, Panabo, Davao del Norte; isang 38 anyos sa Brgy. Kaganguhan, Panabo, Davao del Norte at ang ikatlo ay 47 anyos na galing sa Brgy. Bitan-agan, San Francisco, Agusan del Sur.
Naaresto ang mga ito pasado alas 4:00 ng hapon sa nasabi ring araw sa Brgy. Bitan-agan, San Francisco, Agusan del Sur.
Ito ay matapos sa hot pursuit operation ng pulisya sa Bayugan City at San Francisco at sa tulong na rin sa CCTV at GPS(Global Positioning System) sa sasakyanan.
Napag-alamang ang red Toyota Vios na may plate number ZAC8764, ay galing sa isang rent-a-car sa Panabo City.
Habang ang biktima na si Alice Parba, 32 anyos, residente sa Brgy Taglatawan, Bayugan City ay naglalakad palabas sa kaniyangh bahay, biglang dumating ang sasakyan at hinablot at pilit na ipinasok sa sasakyan ang biktima.
Sa ngayon ay nasa ligtas na kalagayan na ang biktima kasama ang iyang pamilya ngunit ang tanging nabanggit palang nito ay ibinaba siya sa isang barangay sa Barobo, Surigao Del Sur.
Hanggang sa ngayon ay patuloy pang inaalam ang motibo sa nasabing kremin.