Umabot na sa tatlong suspek sa pagpatay sa Adamson University student na si John Mathew Salilig ang boluntaryong sumuko sa National Bureau of Investigation.
Kasunod ito sa paglabas ng warrant of arrest laban sa kanila at siyam na iba.
Nitong Hulyo 6 kasi ay inilabas ng Biñan Regional Trial Court Branch 155 ang warrant of arrest dahil sa paglabag sa Anti-Hazing Law of 2018.
Unang sumuko si Ryan Camangyan noong Huwebes at nitong Linggo ay sumuko si Aaron Cruz kasama ang abogado nitong si Atty. Ralph Tan na sumuko rin.
Sina Tan at Cruz ay miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity-Adamson chapter na siyang grupo pumatay umano kay Saillig.
Kasalukuyang nasa kustodiya ang mga ito sa NBI-NCR branch.
Magugunitang noong Biyernes ay naaresto ng mga otoridad ang dalawa p ang suspek na sina Justin Ar-Jay Fontanilla at Armando Hernandez Jr ng Cavite.