GENERAL SANTOS CITY- Naisampa na ang kasong murder laban sa tatlong suspek sa pagpatay kay Eduardo Dizon, anchor ng isang News FM sa Kidapawan City.
Ang kaso ang na-file nitong Miyerkules base sa impormasyon ng Presidential Task force on Media Security o PTFoMS.
Sa interview ng Bombo Radyo Gensan kay Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) executive director Joel Egco na isinampa ni Mariam April Mastura-Linsangan, acting city prosecutor sa Kidapawan City ang kasong murder sa Regional Trial Court (RTC) sa Kidapawan City na naka-docket bilang Criminal Case No. 5281-2019.
Ang mga nakasuhan ay sina Junell Jane Andagkit Poten alias Junell Gerozaga, Sotero Jacolbe, Jr. alias Jun Jacolbe, at Dante Encarnacion Tabusares alias Bong Encarnacion.
Si Tabusares at Jacolbe ang pawang mga broadcasters.
Ayon pa kay Egco na maliban sa tatlong nakasuhan, may anim pang pinaghahanap ng mga otoridad matapos na sinabi ng testigo na sampu silang nag-meeting sa pagpaplano sa pagpatay kay Dizon na binaril ng maraming beses at namatay noong July 10.