-- Advertisements --

Iloilo City – Patay ang tatlong gulang na bata matapos masagasaan ng Ceres bus sa Sitio Langka, Barangay Calamigan, Concepcion, Iloilo.

Ang driver ng bus ay si Rudy Basa, residente ng Ajuy, Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Master Sgt. Mark Gregory Barbo, imbestigador ng Concepcion Municipal Police Station (MPS), sinabi nito na patungong Iloilo City ang nasabing bus ng bigla na lamang tumawid sa daan ang bata para sumama sa kanyang 11 anyos na kapatid.

Nakapreno pa ang driver ng bus ngunit nabangga parin nito ang bata.

Malaking sugat sa ulo ang natamo ng tatlong taong gulang na bata na tumilapon pa dahil sa malakas na impact ng pagkaka-bangga.

Dinala pa ito sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay.

Tila naging bangungot naman para sa driver ng bus ang nakitang nakangiting mukha ng bata bago niya ito tuluyang masagasaan.

Sa ngayon, nakakulong na sa Concepcion Municipal Police Station ang nasabing driver.