-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay ang 3-anyos na batang lalaki nang ito ay pagtatagain ng may sayad sa utak na babae sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Arjay Nawa Bilan, 3, residente ng Purok 7, Barangay Kamarahan, President Roxas, North Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya sa President Roxas, habang naglalaro ang biktima sa harap ng kanilang bahay ay nilapitan ito ng mentally retarded na suspek na si Arlene Justo Jabito, 37, at pinagtataga ang bata.

Agad nakita ng kanilang mga kapitbahay ang pananaga sa biktima kaya dinala ito sa pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay.

Nagtamo ng maraming sugat ang biktima sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan kaya agad itong binawian ng buhay.

Sa ngayon ay nakapiit na sa costudial facility ng President Roxas PNP ang suspek habang hinihintay pa ang desisyon ng pamilya ng biktima sa pagsasampa ng kaso.