Iprepresenta ngayong araw ng Commission on Higher Education (CHED) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 3 taong intervention plan para matugunan ang kakapusan ng medical professionals sa PH.
Ayon kay CHED Chairperson Secretary Prospero De Vera na tinukoy ng private sectoral advisory council (PSAC) ang ilang mahahalagang programa sa sektor ng kalusugan na inaasahang kulangin ng health practitioners sa hinaharap.
Kabilang na dito ang physical therapy, medical technology, radiologic technology, occupational therapy at iba pa.
Lumalabas ayon sa CHED official na mayroong puwang sa suplay at demand ng health professionals.
Bagamata base sa assessment ng mga eksperto sa industriya, hindi pa ito kasing lala tulad ng nursing sa bansa kayat mayroon pa aniyang panahon para mapaghandaan ito.
Kabilang sa masterplan ng CHED ang mga hakbang sa pagbibigay ng mga insentibo sa health professionals na piniling manatili sa bansa gayundin ang pagpapatupad ng return service para sa mga nagtapos mula sa pampublikong unibersidad at kolehiyo.