-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Dalawa pang teams mula sa Department of Health (DOH) Bicol ang handang-handa nang i-deploy sa pag-ayuda sa mga apektado ng Bulkang Taal.

Ito ay maliban pa sa unang team na ipinadala ng ahensya mula sa Bicol Medical Center.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DOH Bicol Regional Dr. Ernie Vera, babiyahe na ngayong gabi ang ikalawang team na mula sa Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) habang naka standby naman ang isa pang team mula sa Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center sa Cabusao, Camarines Sur.

Paliwanag ni Vera na composite team ang ipapadala upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasyente at mayroong iba’t ibang specialties.

Posibleng tumagal ng isang linggo hanggang samung araw ang pamamalagi ng nasa 12 personahe sa lugar.

Nabatid rin na magdadala ang DOH Bicol ng P1 million na halaga ng suplay sa Calabarzon gaya ng gamot, malinis na inuming tubig at containers gayundin ang face masks at goggles.