KORONADAL CITY – Pinatay at sinunog pa diumano ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang 3 mga Tiduray na naninirahan sa bulubunduking bahagi ng Maguindanao.
Ito ang kinumpIrma ni Lt.Col John Paul Baldomar, tagapagsalita nga 6ID Phil.Army sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Baldomar, nagalit umano ang ilang miyembro ng BIFF dahil tinutulan ng mga Tribong Teduray ang pangrerecruit at paniniwala ng mga terroristang grupo sa kanilang tribo, ang ang mas ikinagalit pa ng mga terrorista ay ang pakikipagtulungan ng mga Tiduray sa mga otoridad.
Dahil dito, palagi umanong tinatamnan ng BIFF at Daulah Islamiya ng IEDs ang mga kabahayan ng mga Teduray.
Naging sanhi naman ito ng paglikas ng mga miyembro ng tribo para bigyang daan ang clearing operations ng mga sundalo.
Kaugnay nito nagpalabas na ng panibagong advisory ang 6ID Phil.Army sa panibagong taktika at target ng mga terroristang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Daulah Islamiya para matulungan ang mga sibilyan sa nasabing probinsya.
Sa ngayon hustiya ang sigaw ng pamilya ng mga biktima.