-- Advertisements --
Sun Yang
Sun Yang

Pinatawan ng walong taon na ban si Chinese three-time swimming champion Sun Yang.

Ito ay sa kadahilanan na bigo itong sumailalim sa doping test noong 2018.

Una ng nakapasa sa swimming federation sa anumang maling gawain ang 28-anyos na swimmer noong Enero 2019 subalit ito ay naalis sa apila ng World Anti-Doping Agency (WADA) Arbitration for Sport (CAS).

Ito na ang pangalawang paglabag ni Sun na ang una ay noong 2014 ng patawan siya ng tatlong-buwang suspension dahil sa paggamit ng pinagbabawal na stimulant na Trimetazidine.

Sinabi naman nito na kaniyang iaapela ang suspension sa kaniya.