-- Advertisements --

Aabot sa mahigit tatlong tonelada ng heroin ang nakumpiska ng Indian anti-smuggling intelligence offiicials sa Gujarat port.

Dalawang katao ang kanilang inaresto at iba pa ang iniimbestigahan sa drogang nakumpiska na nagkakahalaga ng mahigit $2.7 bilyon.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na galing sa Afghanistan ang nasabing droga.

Idineklara ang nasabing kargamento bilang talc stones.

Ayon sa Directorate of Revenue Intelligence (DRI) na nakatanggap sila ng impormasyon ng parating na kargamento mula sa Bandar Abbas Port sa Iran na naglalaman ng droga kaya agad nila itong tinungo.

Galing umano ito sa Iran patungo sa port ng Gujarat Mundra.