Aminado si Defense Secretary Delfin Lorenzana na tatlong top security issues ang kinakaharap ngayon ng bansa.
Ito ay ang communist insurgency, pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea at terorismo sa may bahagi ng Southern Mindanao.
Sinabi ng kalihim na may mga hakbang ng ginagawa ngayon ang pamahalaang Duterte para tugunan ang mga nasabing problema.
Habang patuloy ang ginagawang atrosidad at karahasan ng rebeldeng NPA, naghahanap naman ng paraan ang gobyerno para matuldukan na ang problema sa insurgeny.
Inihayag din ng kalihim na walang pagkakaiba ang rebeldeng NPA at mga bandidong Abu Sayyaf na kapwa niyang itinuturing na teroristang grupo.
Inihayag din ng kalihim na malaking banta din sa seguridad ang problema sa terorismo kung saan pwede itong mag escalate hanggang sa Maynila.
Kumpiyansa naman ang kalihim na kayang pulbusin ng militar sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon ang bandidong Abu Sayyaf at Maute terror group.
Sa isyu naman sa West Philippine Sea, may mga hakbang na rin ang pamahalaan ukol dito.