Tatlong tripulante ng Japanese fishing boat ang nasawi matapos na bumangga ang kanilang sinasakyang bangka sa Russian ship sa northern island ng Hokkaido, Japan.
Ayon kay Japanese government spokesman Katsunobu Kato na na-rescue ng Russian cargo ship ang limang crew members ng Japanese crab fishing vessel subalit binawian na ng buhay ang tatlo sa mga ito nang makarating sa port ng Mombetsu.
Kabilang sa mga nasawi ang 64-anyos na chief engineer na si Masayoshi Numahata at ang dalawang deckhands na sina Shunsuke Konno at Masatoshi Inoue.
Sinabi ng Japan Coast guard, lulan ng Hokko Maru No. 8 na fishing boat ng Japan ang limang crew memebers na nakabase sa Hokakaido Mombetsu habang nanghuhuli ng talangka sa naturang karagatan.
Samantalang, magdadala naman ang Russian vessel Amur ng seafood sa Monbetsu mula sa Sakhalin port sa Russia.
Napag-alaman mula sa local meteorological observatory na mayroong inilabas na advisory na makakaranas ng makapal na hamog sa karagatang malapit sa Monbetsu port. (with reports from Bombo Everly Rico)