-- Advertisements --

Isasailalim sa imbestigasyon ng Ukranian officials ang mga ibinalik na barko na dinukot ng Russia noong nakaraang taon sa Kerch Strait.

Kinumpirma ang balitang ito ni Russian President Vladimir Putin kay French President Emmanuel Macron.

Ito raw ay upang makasigurado na walang kulang na mga equipment sa mga nasabing barko.

Dinakip ng Russia Coast Guard ang dalawang gun boats at isang tug boat Nonng Nobyembre 2018 habang binabaybay ng mga ito ang Kerch Strait na nasa gitna ng Russia at Crimea.

Pinaputukan din ng mga ito ang mga barko at ikinulong ang 24 na Ukrainian sailors sa loob ng 10 buwan.

Hinikayat naman ng Ukraine ang Russia na ibalik sa kanila ang mga nasabing barko upang siguraduhin ang nakatakdang meeting ng dalawang bansa sa Dec. 9 na gaganapin sa Paris.

Tatalakayin sa pagpupulong ang four-way pwace agreement sa eastern Ukraine.