-- Advertisements --

Patay ang tatlong katao matapos na bumangga ang kanilang sinasakyang kotse sa isang concrete barrier sa kahabaan ng EDSA-Santolan sa Quezon City.

Naganap ang insidente pasado alas-dos madaling araw nitong Pebrero 18 kung saan matapos na bumangga ang kotse ay nagliyab pa ito.

Matatagpuan ang concrete barrier sa busway southbound ilang metro mula sa P. Tuazon tunnel sa Quezon City.

Nakalabas naman ang driver subalit ang tatlong sakay nito ay hindi na nakalabas sa nasusunog na sasakyan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na pawang mga miyembro ng Philippine Air Force ang nasawing biktima.

Mabilis naman na naapula ng mga rumespondeng bumbero ang nasabing nasusunog na kotse at inilabas na rin ang mga nasawing biktima.