Iniharap ni PNP chief Gen. Ronald Dela Rosa sa media ang tatlong naarestong suspek na mga miyembro umano ng vigilante group na sangkot sa iba’t ibang kaso ng mga extrajudicial killings (EJK).
Naaresto sina Manuel Murillo alias Joel, Marco Morallos alyas Naldo, Alfredo Alejan alias Jun na isinasangkot sa pagpatay kay Charlie Saladaga, 16, na natagpuang wala nang buhay at nakasilid sa sako habang palutang-lutang sa baybayin ng Isla Puting Bato,Tondo, Maynila noong January 2, 2017.
Sinabi ni Dela Rosa na 10 ang nasabing grupo at arestado na ang tatlo ngayon na umano’y mga miembro ng civilian volunteer organization ng kanilang barangay pero umaaktong mga “taga-tumba” ng mga pinaghihinalaang drug addict o mga kriminal.
Kinumpirma ni Dela Rosa na nasasangkot din ang tatlo sa tatlo pang mga insidente ng EJK.
Ibinunyag din ng PNP chief na ang pagka-aresto ng mga suspek ang magpapatunay na mayroon talagang mga nakisabay o nakisakay sa war on drugs ng PNP na pumapatay ng mga drug suspects.
“Sumakay sila sa ating war on drugs hoping na pag meron silang titirahin, ang mapuputukan pulis, agad sasabihin kagagawan ng pulis yun, pero very clear yun inamin naman nila, kagagawan nila,†ani Dela Rosa.
Inihayag pa ng heneral na ang armadong grupo ay may miyembro na mahigit sa 212 at nasa ilalim ng kanilang lider na kinilalang sa pangalang Ricardo Villamonte.