-- Advertisements --

Inaresto na ng PNP ang tatlong vloggers dahil sa pagsasagawa nila ng kidnapping prank.

Kinilala ang mga vlogger na sina Mark Heroshi San Rafael, Mark Lester San Rafael at Eleazar Steven Fuentes.

Nagbunsod ang insidente sa video na kanilang naiupload sa kanilang social media noong Abril 7.

Makikita sa video ng group na “Tukomi” na kunwaring bumibili ng pagkain ang isa nilang kasama at bigla na lamang itong kunwaring dudukutin sa insidente sa Barangay CAA, Las Piñas.

Dahil sa pag-viral ng video matapos umani ng batikos ay naghain ng reklamo si PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group Staff Sergeant Ronnie Conmigo na nagbunsod paglabas ng warrant of arrest ni Judge Lynnette May Deloria-Manarang ng Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 124.

Itinakda naman sa Agosto 10 sa MTC Branch 124.