-- Advertisements --

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng tatlong volcanic earthquake nitong madaling araw ng Linggo sa Mt. Kanlaon.

Habang naitala naman noong Sabado ang pagbuga nito ng asupre na umaabot sa 5,188 tonelada.

Tinatakpan din ng makapal na ulap ang bulkan kaya mahirap ma-mamonitor ang mga plumes nito.

Nananatili naman ang alert level 2 sa bulkan, ibig sabihin maaaring maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic eruption.

Ipinagbabawal pa rin ang anumang paglipad ng aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa posibleng panganib.