-- Advertisements --
image 2

Naitala ang tatlong volcanic earthquakes sa Taal Volcano sa Batangas sa nakalipas na 24 oras, ayon yan sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Linggo.

Kabilang sa mga pagyanig ng bulkan ay isang lindol na tumagal ng limang minuto.

Naobserbahan din ang isang light vog sa bulkan.

Sinabi ng PHIVOLCS na mayroon pa ring pagtaas ng hot volcanic fluids sa Main Crater Lake.

Kaya naman nananatili ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal.