-- Advertisements --
LAOAG CITY – Tagumpay na naaresto ang tatlong Wanted Person dahil sa kasong paglabag ng Presidential Decree 1602 o Gambling Law sa bayan ng Banna, Ilocos Norte.
Nakilala ang mga akusado na sina Inocencio Baniaga, 62-anyos; Jayson Aloag, 30-anyos, at si Alex, 50-anyos, pawang mga residente ng Barangay Macayepyep.
Ayon kay Police Lt. Chester Arellano, OIC ti PNP-Banna, nahuli ang tatlong akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Marvin Galacgac ng MCTC, Banna-Nueva Era-Banna.
Pawang may rekomendasyon na 30 a ribo a pisos na piyansa ang mga akusado.
Nanatili naman ang mga ito sa kustodiya nga PNP-Banna.