-- Advertisements --
Pinatawan nang multa ang tatlong manlalaro ng NBA defending champion na Golden State Warriors dahil sa ginawang pambabatikos sa mga game offiicials.
Aabot sa $35,000 ang ipinataw na multa kay Warriors forward Draymond Green dahil sa pagbitaw ng masamang salita sa mga NBA officials.
Mayroon namang $25,000 na multa si Stephen Curry at $15,000 kay Kevin Durant dahil sa parehas din na paglabag.
Naganap ang pagmumura umano ng mga players sa kanilang pagkatalo, 131-130 sa overtime game nila ng Minnesota Timberwolves noong Biyernes.