-- Advertisements --

Handang tumulong si Pangulong Rodrigo Duterte para maamyendahan ang batas para sa pagpapalawig ng transition period ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) hanggang Hunyo, 2025.

Pahayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng sinabi ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) na hindi sapat ang three-year transition period ng BARMM.

Panawagan ng mga appointed BARMM officials na kailangan pa ng karagdagang tatlong taon para masakatuparan ng mga ito ang kanilang target para sa Bangsamoro Government.

Sinabi ni Sec. Roque, tulad ng una nang payo ni Pangulong Rodrigo Duterte, kailangang maamyendahan ang batas para dito dahil nakapaloob sa batas ang eleksyon ng BARMM.

Pero ayon kay Sec. Roque, kahit inihayag ni Pangulong Duterte na tutulong siya para dito, dapat pa rin na makipag-uganayan ang BTA sa dalawang kapulungan ng Kongeso paramaaksyunan ito.

Sa June 30, 2022, nakatakdang matapos ang transition period ng BARMM.