Tinatayang nasa 30 hanggang 50 litro ang dami ng tumagas na langis mula sa tumaob na barko sa may karagatan ng Mariveles, Bataan noong umaga ng Sabado ayon sa Philippine Coast Guard.
Iniulat ng ahensiya na tumaob ang MV Hong Hai 189 at lumubog 400 yards mula sa Sisiman Lighthouse sa bayan ng Mariveles bandang alas5:21 ng umaga noong Sabado kayat agad na naglagay ang mga awtoridad ng mga oil spill boom sa lugar.
Nakamonitor naman ang mga tauhan mula sa PCG Station Bataan at Marine Environmental Protection Unit (MEPU) sa sitwasyon sa lugar para sa karagdagang mga hakbang.
Ang panibagaong insidente ng paglubog ng barko sa karagatan ng bansa ay mahigit dalawang buwan lamang ang nakakalipas mula nang lumubog ang oil tanker na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro noong Pebrero, na naglabas ng humigit-kumulang 800,000 litro ng industrial fuel sa dagat.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa P3.88 bilyon ang pinsalang dulot ng oil spill sa Oriental Mindoro habang nasa humigit-kumulang 40,000 ang bilang ng mga apektadong pamilya.