-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Kinumpirma ng Department of Health ( DOH ) Regional Office 8 na isang 30-anyos na babae galing sa Leyte ang ikalawang person under investigstion (PUI) dahil sa novel coronavirus (2019-nCoV) infection sa Eastern Visayas.
Ayon kay Dr. Minerva Molon, regional director ng DOH-8, ang naturang paseyente ay mayroong history ng pagbiyahe sa Hong Kong at Macau at dumating sa rehiyon noong Enero 21.
Nagpakonsulta ito sa ospital makaraang magkaroon ng ubo limang araw mula nang umuwi ito.
Sa ngayon ay normal naman ang kondisyon ng pasyente pero isinasailalim na ito sa 14-day quarantine period.
Siniguro naman ng ahensya na ligtas pa rin ang Eastern Visayas sa 2019-nCoV kung saan wala pang pasyente ang nagpositibo sa naturang sakit.