-- Advertisements --
LA UNION- Kinumpirma ngayon ng Department of Health Region 1 na nagpositibo sa Covid 19 ang 30 anyos na babaeng frontliner ng Brgy. Cuenca sa bayan ng Pugo, La Union.
Base sa impormasyon mula sa lokal na gobyerno, ang nasabing pasyente ay isinailalim sa isolation mula April 5, 2020.
Nagkaroon ang pasyente sa unang naitalang Covid 19 patient sa nasabing bayan.
Ito na ang ikalawang kaso ng Covid 19 at nananatiling asymptomatic.
Sa ngayon, isinailalim na sa total lockdown ang Brgy. Cuenca habang isinasagawa naman ang contact tracing ng Municipal Health Office.
Umapela naman ang local na pamahalaan ang mga ipinapatupad na physical distancing, pagsuot ng face mask at manatili sa bahay.