ROXAS CITY – Dead on arrival ang isang lalaki, matapos maaksidente sa minamanehong motorsiklo sa Arnaldo Boulevard Barangay Baybay, Roxas City.
Kinilala ang namtay na si Amiel Jun Dadula at residente ng New Road Barangay Banica ng nasabing lungsod.
Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo sa Roxas City PNP, nanggaling ang biktima sa Roxas City Proper at papunta sana sa Barangay Baybay sakay ang motorsiklo na Yamaha Mio kulay green/black, ng aksidente itong bumunggo sa concrete center island ng daan.
Dahil sa malakas na impact, nagresulta ng sugat sa mukha at ibat-ibang parte ng katawan ang biktima dahilan ng kanyang pagkamatay.
Nagawa pa itong dalhin sa Roxas Memorial Provincial Hospital upang gamutin subalit ideneklarar na dead on arrival ng doctor.