-- Advertisements --

Nasa 30 kababaihang Chinese ang nailigtas ng mga kapulisan sa isang KTV bar sa lungsod ng Makati.

Pinangunahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ay naaresto rin ang ilang mga parokyanong Chinese sa loob ng establishimento na matatagpuan sa Yakal St. Makati City.

Binabayaran ng aabot sa P15,000 ang mga kababaihan para ang mga ito ay makatalik.

Ito na ang pangatlong pagkakataon kung saan nagkaroon ng rescue operations ang mga kababaihang Chinese na sangkot sa prostitusyon.