-- Advertisements --

Nailigtas ang nasa 30 mga kababaihang Chinese na umano’y ginagamit sa prostitusyon sa lungsod ng Makati.

Matapos makakuha ng pagkakataon ay agad na ni-raid ng mga kapulisan ang isang hotel na ginagamit bilang prostitution den sa Makati City.

Sinabi ni Makati City police chief Col. Rogelio Simon, kadalasang mga parokyano ng mga ito ay mga Chinese din na nagtatrabaho sa Philippine offshore gaming operations (POGO) sector.