-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Aabot sa 30 bahay ang naabo sa sumiklab na sunog kaninang madaling araw sa Sitio Bantud, Barangay Manoc-Manoc sa Boracay.

Ayon kay FO3 Franklin Arubang, arson investigator ng Bureau of Fire Protection-Malay, pasado alas-3:00 kaninang madaling araw nang makatanggap sila ng ulat ukol sa sunog at alas-4:00 ng madaling araw naman nang magdeklara ng fire-out.

Karamihan aniya sa nasunog ay mga boarding houses.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa pinagmulan ng apoy at kabuuang halaga ng pinsala ng sunog.

Nabatid na noong Marso 30, naitala rin ang pinakamalaking sunog sa Boracay kung saan halos 60 istraktura na kinabibilangan ng mga establishment, residential at boarding houses ang natupok na nag-iwan ng P22.5 million na pinsala.