-- Advertisements --

Overloaded Electrical Connection ang dahilan na lumabas sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) na tumupok sa 30 kabayahan sa Kasalamatan Drive, Barangay Campo Islam, Zamboanga City sabado ng gabi.

Ayon sa Zamboanga City Fire Marshall, nagkaroon umano ng short circuit na nagresulta sa pagkasunog ng mga kabahayan sa lugar na umabot pa sa ikatlong alarma.

Maswerte naman na walang naiulat na sugatan at namatay sa insidente ngunit tinatayang aabot sa P1,000,000 ang danyos sa mahigit isang oras na sunog.

Sa ngayon ang mga apektadong pamilya ay pansamantalang nasa evacuation center at nakatanggap na ng paunang tulong mula sa lungsod.