-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Pagod na at gustong mamuhay ng mapayapa ng 32 mga terorista na sumuko sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) sa Camp SK Pindatun Parang Maguindanao Del Norte.

Ang 30 na mga rebelde ay mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) mula sa grupo ni Kumander Kagi Karialan at Kumander Bungos.

Habang ang dalawa ay mga kasapi ng Dawlah Islamiyah at Private Armed GroupS mula sa Mohammad Andoy Group.

Ang mga rebelde ay kumikilos sa bahagi ng SPMS Box sa Maguindanao Del Sur at hangganan sa probinsya ng Cotabato.

Sumuko ang mga rebelde kay PRO-BAR Regional Director Bregadier General John Guyguyon.

Dala ng mga rebelde sa pagsuko ang mga matataas na uri ng armas,Improvised Explosive Device,mga bala,magasin at kagamitan sa paggawa ng bomba.

Tumanggap ng tulong ang 30 BIFF at 2 DI mula sa provincial Government ng Maguindanao.

Nangako ang mga rebelde na tutulong para sa kapayapaan at kaunlaran sa kanilang komunidad.