-- Advertisements --
JEEP1

Magkakaroon umano ng 30 araw na pilot run para sa pagdadagdag ng passenger capacity sa mga public utility vehicles (PUVs).

Ayon sa Department of Transportation (DoTr), ang 30-day pilot study sa pagdadagdag ng pasahero sa mga public transport mula 50 percent sa 70 percent ay isasagawa sa Metro Manila at mga kalapit nitong probinsiya.

Kabilang dito ang Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.

Una rito, aprubado na ng Inter Agency Task Force (IATF) ang pagdadagdag ng pasahero sa mga public transport dahil na rin sa dumadaming pasahero.

Isasagawa ang pilot run sa Nobyembre 4.

passenger/jheep

Sa ilalim ng bagong panuntunan, papayagan na ang apat hanggang limang karagdagang pasahero sa mga traditional jeepney.

Puwede na rin daw ang standing passenger sa mga modernong jeepney.

Sa mga public utility buses, papayagan na rin ang mga nakatayong pasahero bastat susundin pa rin ang one-seat-apart policy.

Mahigpit pa rin namang ipatutupad ang mga health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks at face shields.

Sa isang panayam sinabi ni DoTr Assistant Secretary Steve Pastor, ang pagdadagdag daw ng passenger capacity ay base naman sa mga pag-aaral sa ibang bansa.