-- Advertisements --
sk elections

Ihahain na ngayong araw ng Commission on Elections (Comelec) ang hindi bababa sa 30 disqualification petitions laban sa mga kandidato na sangkot sa premature campaigning sa Barangay at Sangguniang Kabataan election ngayong taon.

Ito ang unang batch ng mga petisyon na ihahain ng poll body.

Paliwanag ni Comelec Director Nick Mendrosang pagkaantala sa paghahain ng kaso laban sa ibang kandidato ay dahil sa ilang kadahilanan gaya ng panuntunan na nagmamandato sa respondent na maglabas muna ng kopiya ng petisyon bago ito maihain.

Base sa data noong Martes, iniulat ng Comelec na nakapag-isyu na ito ng mahigit 2,500 show cause orders sa mga kandidato na umano’y sangkot sa maagang pangangampaniya.

Ayon naman kay Comelec Chairman George Garcia inaasahang sa ikalawang linggo ng Okture, madedesisyunan na ang disqualification cases na ihahain ngayong araw.