-- Advertisements --
Nadagdagan ng 30 ang bilang ng mga Filipino na nasa ibang bansa ang nadapuan ng COVID-19.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dahil sa nasabing kaso ay mayroon ng kabuuang 11,410 ang nagpositibo sa nasabing virus.
Sa nasabing bilang ay mayroong 3,218 ang kasalukuyang ginagamot habang mayroong 7,364 ang gumaling na at 828 na ang nasawi.
Tiniyak ng DFA na patuloy ang kanilang ginagawang pakikipag-ugnayan sa mga iba’t-ibang mga bansa.