Kanselado ang nasa 30 na flights ngayong araw at may ilan pang na-divert dahil sa masamang lagay ng panahon.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa mga hindi natuloy na biyahe ay ang Manila-Shenzhen-Manila para sa international flight.
Habang sa domestic travels naman ay ipinagpaliban ang Manila-Basco-Manila, Manila-Tuguegarao-Manila, Manila-Busuanga-Manila, Manila-Laoag-Manila, Manila-San Jose-Manila at Manila-Naga-Manila.
May isa ring flight na Legazpi-Manila ang na-divert sa Iloilo.
Sa pagtaya ng airport officials, maaari pa itong maulit bukas kung patuloy na mararanasan ang matinding buhos ng ulan.
Nakakaranas pa rin kasi ng malakas na ulan sa Metro Manila at maging sa destinasyon ng naturang mga byahe.
Dulot ito ng habagat, bagyong Carina at iba pang weather system sa Philippine area of responsibility (PAR).
Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline companies para sa rebooking o refund ng kanilang tickets.