BUTUAN CITY – Naipamimigay na sa mga bayan ng Siargao Islands sa lalawigan ng Surigao del Norte ang 30 mga generator sets at 300 mga solar panels matapos itong dumating sa naturang isla kaninang umaga karga ng C-130 plane.
Layunin nito na magpapatuloy pa ang mas malapad na libreng charging sa mga bayan, sa kanilang kagamitan na nangangailangan ng kuryente.
Una nang inihayag ni Surigao del Norte Governor Robert Lyndon Barbers na posibleng maaabutan pa ng 10 araw ang pag-inspect ng mga expert divers sa natitirang 20-kilometrong submarine cable ng Siargao Electric Cooperative o SIARELCO sa karagatan bago maibalik sa normal ang linya ng kuryente.
Ito’y matapos makumpirma na ang una ng na-inspect na 1.9-kilometrong parte ng submarine cable ay walang danyos, ngunit pumulupot lamang.