CAGAYAN DE ORO CITY – Naaresto ng pulisya ang nasa 30 katao na nagtangkang nakawin ang kontrobersyal na mga basura ng Verde Soko Philippines Incorporated na ipinuslit sa bansa, partikular sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental mula South Korea.
Akto kasing nahuli ng pulisya ang mga suspek na bubuhatin na sana ang saku-sakong mga basura papalabas sa bakuran ng Verde Soko noong nakaraang araw.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Mindanao Container Terminal (MCT) John Simon na sasampahan nila ng kasong obstruction of justice at pagnanakaw ang mga suspek sa provincial prosecutor’s office sa susunod na linggo.
Inihayag ni Simon na patuloy na pinipiga ng mga imbestigador ang mga suspek upang tukuyin kung sino ang nasa likod ng pagnanakaw ng mga basura.
Kinilala ang mga suspek na sin Alex Medio; Arlon Gamayaon; Marlito Bonghanoy; Quitillano Palak Jr.; Almar Enrequiz; Rosalyn Edoria; Christopher Lamantucan; Resie Minister; Dennies Montero; Wendell Apoya; Wella Lagrada; Belen Siguay; Melania Agustin; Jennefer Cape; Alvin Loretero; Rosana Medio; Maricil Mabale; Nimpa Jadlawan; Timmy Edoria; Cerilena Mial; Kharen Manrawat; Dian Agustin; Gloria Ayoman; Joseph Sabit; Manrawat Ferdinand; Garry Mial; Freddie General; Erlido Palarig; Karen Sabit; at Elmor Sabit.
Dagdag ng opisyal, nagpapatuloy ang re-bagging ng mga basura dahil ibabalik na ito ngayong buwan sakaling makarating na ang barko mula sa South Korea.