CENTRAL MINDANAO- Umaabot sa 30 ka tao na lumikas sa pagyanig ng lindol ay isinugod sa pagamutan kagabi sa bayan ng Makilala Cotabato.
Ito mismo ang kinumperma ni Cotabato Vice-Governor Shirlyn Macasarte Villanueva.
Ang mga biktima ay nakakaranas ng sobrang sakit ng tiyan at pagtatae (LBM) kaya isinugod sila sa pagamutan.
Hinala ni Villanueva na nakuha ng mga bakwit mula sa Brgy Malabuan Makilala ang nararanasan nilang sakit sa mga pagkain na direktang pinamimigay sa kanila ng mga tao.
Sinabi ni Villanueva sa kanyang post sa facebook upang maiwasan ang ganitong sakit, pagbabawalan nila ang pamamahagi ng mga hot meals/ packed lunch sa iba’t ibang mga evacuation sites sa Makilala.
“This is to avoid food poisoning” ani Vice Governor Villanueva.
Hinirang ng pamahalaang panlalawigan si Villanueva sa pamumuno ni acting Govenor Emmylou”Lala” Mendoza upang pamahalaan ang maayos na pamamahagi ng mga donasyon sa lahat ng mga evacuation center sa bayan ng Makilala at ibang lugar ng probinsya.