-- Advertisements --
Sinagip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa 30 kababaihan sa isang nakatagong spa at home massage na nagiging front ng prostitusyon.
Unang pinasok ng mga ito ang isang bahay sa Scout Chuatoco, Quezon City kung saan mayroong mga kuwarto na dinadala doon ang mga klyiente.
Nasa mahigit 80 ang sinasabing kliyente ng mga ito kada isang araw.
Ayon kay NBI special action unit (SAU) Kristine dela Cruz na nakatanggap sila ng impormasyon sa nasabing iligal na operasyon ng spa kaya agad nilang nilusob ang lugar.
Ipinasakamay na ng NBI sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasabing mga nasagip na mga kababaihan.