CENTRAL MINDANAO-Abot sa 30 kababaihan, kabilang ang ilang solo parent, PWD, VAWC survivors, at miyembro ng KALIPI Association sa Lungsod ng Kidapawan ang sumailalim sa 2-day Practical Skills Training on Cosmetology, Hair Science and Foot Spa.
Maliban rito, binigyan din sila ng basic orientation seminar sa ilalim ng Basic Orientation Seminar (BOS) ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).
Kabilang naman sa mga trainer ng aktibidad sina Josephine Retiza at Amelyn Layos, kapwa Faculty ng Kidapawan Technical School (KTS) kung saan kanilang itinuro ang kaalaman sa beauty care tulad ng pedicure, manicure, hand and foot spa, body scrub and massage, facial treatment and make-up.
Layon ng training na mabigyan ng sapat na kaalaman ang nabanggit na mga partisipante at magamit ito bilang livelihood o pagkakakitaan.
Kaugnay nito, pinasalamatan ni Kidapawan City Acting Information Officer Atty. Paolo M. Evangelista, na nagbigay ng inspirational message, ang bawat partisipante sa training at hinikayat ang mga ito na lalo pang pagbutihin ang kanilang gawain sa tulong na rin ng dagdag na kaalaman na nakuha mula sa aktibidad.