-- Advertisements --
Mahigit 30 katao ang inaresto ng mga kapulisan sa Pasay City dahil sa iba’t ibang uri ng mga paglabag.
Karamihan sa mga naaresto ay lumabag sa ordinansa gaya ng pag-inom sa pampublikong lugar.
Umabot naman sa 10 katao ang nakuhanan ng iligal na droga habang ang ilan ay dahil sa pagsusugal sa pampublikong lugar.
Inihahanda na ng mga otoridad ang kaso laban sa mga suspek.